Ang blog na ito o artikulo ay isang bukas na liham mula kay Fdr Jimrey, ang kasalukang Presidente ng "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." para sa mga kapatid nating "GUARDIANS", at gayundin sa kasalukuyang miyembro ng Foundation na ito, sa mga organisasyon,club, foundation,sa mga "Sangay ng Gobyerno", sa kanyang mga kamag-anak, sa grupong "Kalikasan at "Wikang Filipino" at sa lahat ng "Pilipinong" makakabasa nito, maging nandirito sa bansa o tawid dagat....sana po ay makarating sa inyo ito.....maging sa pinaka-mangmang nating kababayan!
ITO PO ANG BUKAS NA LIHAM:
Magandang araw po sa inyong lahat,
Sa panahon ngayon na kalingang-kailangan na ang pagkakaisa ng lahat ng mga "Pilipino" para sa ating namamatay na kalikasan at naghihirap na bansa ay hayaan ninyong ilahad ko sa inyo ang tunay kong saloobin o damdamin dahil tunay ng naghihirap ang aking kalooban, ako na gustong tumulong sa abot ng aking makakaya sa ating kalikasan at naghihirap na kababayan...pero lagi ng tinutuligsa, mangyari po sanang isa-damdamin din po ninyo ang aking isinusulat sa ngayon...kung maari lang po sana...
Unahin natin ang mga kapatid kong "GUARDIANS" dahil alam ko na kung tunay silang "Guardians" ay mauunawaan at maiintindihan nila ako...kung bakit ko ginamit ang "Guardians" sa paglikha ko ng "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc."...
Ano ba ang kahulugan ng ating tatak o tattoo na mga letrang G-U-A-R-D-I-A-N-S sa balikat, isa-isahin po natin, sa englis na pananalita muna at ipapaliwanag ko din sa "Wikang Filipino".
"G" - Gentlemen – A civilized, educated, sensitive, or well-mannered man: He behaved like a true gentleman.
"U" - United - Made into or caused to act as a single entity: a united front.
"A" - Associates - To join together as partners or colleagues.
"R" - Race -a contest of speed, as in running, riding, driving, or sailing/ or
a group of persons related by common descent or heredity.
"D" - Dauntless - Not to be daunted or intimidated; fearless; intrepid; bold: a dauntless hero.
"I" - Ingenious - characterized by cleverness or originality of invention or construction: an ingenious machine.
"A" - Advocator - a person who speaks or writes in support or defense of a person, cause, an advocate of peace.
"N" - Nation - The territory or country itself.
"S" - Society - a highly structured system of human organization for large-scale community living that normally furnishes protection, continuity, security, and a national identity for its members.
Yan po ang ibig sabihin ng ating tattoo sa ating balikat, sa englis na pananalita ayon sa mga nagumpisa nito pag pinagsunod-sunod ay "Gentlemen and United Associates of our(Filipino)Race, Dauntless and Ingenious Advocators for Nation and Society..
Sa aking pananaw, hindi dapat gamitin ang "Filipino" dahil ang "Filipino" ay tumutukoy sa "Wikang Pambansa" o "Tagalog"...pag kausap mo ay taga-ibang bansa, alam nila na ang tamang "English" pag tinutukoy natin ay tao, ito ay "Philipino"...kuha sa ating bansa na "Philippines"...pero hindi ito ang isyu, gusto ko lang malaman ninyo ang puna ko dito bilang isang tunay na nagmamahal sa ating bansa...balik tayo sa "GUARDIANS"....
Sa "Wikang Filipino"..ito po ang ibig sabihin:
Mga maginoo at nagkakaisang katuwang ng ating lahing Pilipino, mga walang takot na ituro ang kanilang mga nalalaman para sa ikauunlad ng bansa at lipunang ginagalawan.
Iyan po ang isang napakalaking dahilan bakit ko ginamit ang "Guardians" sa ating "Foundation"...sa kabila ng mga puna ng mga edukadong tao na nakaka-alam ng aking adhikain para sa ating bansa...binabawalan nila ako dahil sa kanilang nakikitang ginagawa ng mga "GUARDIANS"...pero tunay akong "GUARDIANS" kaya hindi ko sila sinunod....kaya sila ay nagdadalawang isip kung ako ay tutulungan...
Karamihan po yata sa ating mga kapatid na "GUARDIANS" na ang pagkakaintindi sa "Race" ay karera at hindi lahi, bakit po ba nagpapataasan tayo ng ihi at pinupuna natin ang ibang kapatid nating "GUARDIANS"...panay ang marking natin at nagpaparamihan tayo ng miyembro, pagkatapos ano na...pabayaan natin silang pakalat-kalat sa kalye at hindi naman natin turuan ng tamang pamumuhay sa ating bansa, maging maginoo at hindi basagulero, masakit sabihin pero ang ibang namumuno ay "GANG" yata ang pagkakaintindi sa salitang "Guardians"...ang ibig pong sabihin nito ay "Tagapag-bantay" ng ating bansa at lahi...at hindi bantay salakay....o sikyo...magkaisa na po tayo mga kapatid kong "GUARDIANS"...gamitin natin ang tatak sa ating balikat...ang tatak ng isang tunay na "GUARDIANS"...magkakapatid...brotherhood...at kung ikaw ay mataas ang ranggo sa inyong komunidad o siyudad, ipunin mo ang lahat ng "GUARDIANS" sa iyong lugar, kahit na anong paksyon at turuan natin ng tamang pamumuhay sa ating bansa....laan po akong magturo ng lahat ng aking nalalaman sa ating mga kapatid na "GUARDIANS"..kung tungkol sa kalikasan, kalusugan, at ikauunlad ng ating bansa....
Sa mga kaanib ng ating "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." na karamihan ay mahirap...huwag naman pong lagi ninyong iasa sa pamunuan ng ating "Foundation",ang kalagayan ninyo sa buhay...kumilos din kayo, give and take ika nga...ibigay ninyo ang inyong kakayahan para magkatrabaho, huwag ng laging nagiintay...lagi kong sinasabi sa inyo na gumawa kayo ng grupo o chapter sa inyong lugar, pumili ng karapat-dapat na mamuno, na siya ko na lang laging kakausapin para alalayan kayo, pagpili lang hindi ninyo pa magawa...kahit na hindi "GUARDIANS"...kailangan may mamuno sa inyo na masasabi nating tunay na makabayan...wala na ba talagang ganoong tao....o natatakot kayong makipag-usap....at sa mga nakapirma ng ating aplikasyon pero hindi naging aktibo dahil nahimok kayo ng inyong mga namumuno na walang kuwenta ang ating "Foundation" at mas magaling ang kanilang organisasyon...ano na ho ba ang nangyari sa inyo sa loob ng dalawang taon...dumami lang ang miyembro ninyo siguro pero hangang doon lang at wala namang naibigay sa inyong ikauunlad sa buhay...ganoon pa din kayo...sa "Dating Gawi"...pero huwag pong mag-alala dahil susulatan namin kayo at hihimuking muling bumalik, di kayo aalis ng sa inyong paksyon o organisasyon...pero sabi ko nga, ibigay ninyo ang inyong kagalingan, kasanayan (Kung mayroon mang kaalaman)sa ating Foundation at tatapatan natin ng tamang halaga para sa inyong pamilya...magtratrabaho na po kayo para sa ating kalikasan at para sa kinabukasan ng inyong pamilya....kung walang kaalaman...tuturuan namin kayo....
Sa mga kapwa natin "Pilipino" sa ibang bansa, bakit ko ho ba kayo hinihimok na magtayo ng inyong grupo o branch ng ating "Foundation" sa inyong lugar, siguro iisipin ninyo magbibigay lang kayo ng donasyon sa ating "Foundation" kaya ito ay inyong binabale-wala, hindi po ganoon...sa pagtatayo ninyo ng inyong grupo sa lugar ninyo at mairerehisro ninyo din sa gobyerno ng bansang kinaroroonan ninyo....ay may karapatan na kayong humingi ng tulong sa inyong gobyerno o sa mga kumpanya at "Foundation" na kayo ay suportahan para itulong naman ninyo sa bansa natin....nabalitaan ninyo na ba na si Warren Buffett at Bill Gates ay nagtayo ng "Foundation" para makatulong sa bansang Africa para sa mga maysakit ng AIDS...dito po sa bansa natin ay napakarami na ding may-sakit ng AIDS na dapat nating tulungan...kung ayaw ninyong tumulong sa ating kalikasan dahil nandiyan naman kayo at malalayo sa mga bahang nangyayari sa bansa natin....pero mangyayari din ang mga ganitong pangyayari diyan sa lugar ninyo sa mga darating na araw...at ngayon naman ay ibinibigay na nila (Warren Buffett at Bill Gates)ang kalahati ng kayamanan nila para itulong naman sa kawang-gawa, at di lang sila ang gagawa niyan, marami pang mababait at mayayamang tao ang gusto tumulong, ayaw lang nilang padaanin sa gobyerno dahil alam nila kung ano ang mangyayari....ayaw ninyo ba na sa pamamagitan ninyo ay nakatulong kayo sa ating bansa....sa inyong mga kababayan, at kalikasan....pati na din sa mga sarili ninyo.....dahil maipaparating na din namin sa inyo ang mga produkto nating pangkalusugan at pangkalikasan....
Sa akin namang pamilya, mga kapatid, pinsan, bayaw, hipag, mga pamangkin, at mga kamag-anak....pakiusap ko sa inyo, huwag ninyong balewalain ang aking ginagawa, para din sa inyo ito, gusto kong humaba pa ang inyong buhay...magagaling ang mga doktor ninyo at mayroon kayong pambayad...pero ito sana ang inyong isipin...WALA BANG DOKTOR ANG NAMATAY SA SAKIT, DI BA NAMATAY ANG MATATANDA NATIN DAHIL SA SAKIT...SA KABILA NG NAPAKALAKING NAGASTOS SA PAGGA-GAMOT?
Ayaw ninyo akong tulungan na mapalaganap natin ang produktong tamang-tama sa mahihirap nating kababayan na walang pambayad sa pagkakasakit, ni ayaw ninyong alamin ano ba ang produktong magpapabago ng "Daigdig ng Medisina" na makakatulong din sa ating kalikasan na likha ng inyong kapamilya...bakit, ayaw ninyong masapawan sa inyong kayamanan...talo ninyo ako kung tungkol sa kayamanan, pero hindi ninyo ako matatalo kung pagmamahal sa kapwa ang paguusapan...wala kayo niyan....
Sa mga Club, Foundation,Assosasyon at "Sangay ng Gobyerno" na sinasabing tumutulong sa ating mahihirap na kababayan at namamatay nating kalikasan, huwag na po sana tayong maging plastik, dadami pa ang makakabara sa ating mga kanal....kung wala kayong teknolohiya para sa ating kalikasan ay hayaan ninyo kaming gumawa...walang mangyayari sa pagtatanim ng puno minsan isang taon "SA PANAHONG ITO", walang mangyayari sa pagpatay ng ilaw minsan isang taon "SA PANAHONG ITO", walang mangyayari sa paglilinis ng ating dagat at mga ilog minsan sa isang taon "SA PANAHONG ITO"...at walang puwang ang plastik na makakalikasan "SA PANAHONG ITO"....kung may kakayahan kayo sa pananalapi na ibabawas naman sa inyong pagbabayad ng buwis ay itulong na lang sa amin ay maglagay ng inyong representante para malaman ninyo kung saan ginagastos ang inyong itutulong...kailangang-kailangan ang araw-araw na pag-gawa at pagtratrabaho para sa ating kalikasan "SA PANAHONG ITO"...kumpleto po kami ng teknolohiya para sa ating kalikasan...magtiwala po sana sa amin....sa sandali na may natangap kayong sulat sa paghingi ng tulong (Solicitation Letter)para sa ating "Foundation" na magtra-trabaho araw-araw para sa ating namamatay na kalikasan...
Sa mga miyembro ng "Kalikasan at "Wikang Filipino"" sa facebook.com, hindi po ginawa ang pahayagan at kuro-kuro ng ating "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." para magpasikat at magyabang, ito po ay ginawa para nalalaman ng ating mga kababayan ang mga kaganapan sa ating kalikasan, maging araw-araw man o oras-oras, gusto naming maging aware o handa kayo sa mga posibling mangyayari kung tungkol sa ating kalikasan ang ating pag-uusapan...napakaraming komento na namilit lang kami sa kanilang pagsali, at huwag daw pakialam ang gusto ng ating "Diyos"....alam ninyo ba na araw-araw akong gumigising ng maaga para ipagdasal kayo, at bantayan ang kalagayan ng ating klima para mabigyan kayo ng babala kung sakali man...alam ba ninyo na tuwang-tuwa ako dahil marami pala akong kapatid na "GUARDIANS" na marunong mag-computer at nabibilang sa facebook networking...sabi ko mas madali ng makarating sa kanila ang mga dapat mangyari sa ating kalikasan at naghihirap na bansa, pero guardians din pala ang sisira ng aking adhikain para sa kanila...isipin ninyo sana kung bakit hindi "Capital letter" ang ginamit ko sa guardians...ito ay dahil sa pagdududa kung tunay silang "GUARDIANS"....kung ayaw ninyo makatangap ng email, simple lang ho...unsubscribe o leave the group...yan lang ho ang tama at huwag ng magkomento ng negatibo....
Alam ninyo ba kung bakit "My Sweet Lord" ang tema ng ating "Bukas na Liham".... naalala ko kasi noong ako ay nasa "America"...lagi ko itong pinakikingan sa aking sasakyan sa araw-araw.....nag-aaral ako para sa aking bansa, para sa ating kalikasan, at naghihirap na kababayan...imbes na magtrabaho ako para may ma-sustento sa aking anak na kapapanganak lang...wala akong maipadala para sa kanya....kaya ayaw ng ipakita ito sa akin ng kanyang ina noong pag-uwi ko, pero dapat ko itong gawin, para sa ating kalikasan at kalusugan ng ating mga kababayan....at alam ko...makikita ko na ang ating "Mahal na Diyos" sa sandali na mapagkaisa ko na ang aking mga kababayan...para sa ating kalikasan, sa kanilang kalusugan, at naghihirap na bansa....
Salamat po sa pag-basa at GOD Bless sa inyo....
Jaime Leandro "Founder Jimrey" Flores Reyes
President & CEO - Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc.
MABUHAY PO KAYO GUARDIANS,SIR JAIME, AND KALIKASAN GROUP.. ....GOD BLESS US ALL
ReplyDelete